Location: San Pablo, Laguna (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 14, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KATEDRAL NG SAN PABLO
IPINATAYONG YARI SA KAHOY NG MGA AGUSTINO SA PATRONATO NI SAN PABLO, ANG UNANG ERMITANYO. NAGING UNANG KURA PAROKO SI PADRE MATEO DE MENDOZA, 1586. MULING IPINATAYONG YARI SA BATO NI PADRE HERNANDO CABRERA, 1618-1629. INILIPAT SA MGA PRANSISKANO AT SI PADRE ANDRES CABRERA ANG UNANG KURA PAROKO, 1794. BINAGO AT PINAGANDA, PATI ANG KUMBENTO, NI PADRE PEREGRIN PROSPER, 1839-1858. GINAWA NG KRUSERO NINA PADRE EUGENIO GARCIA, 1871-1877; FRANCISCO VELLON, 1878-1884; AT SANTIAGO BRAVO, 1884-1888. IPINAHAYAG NA SEKULAR, 1898, AT SI PADRE FRANCISCO ALCANTARA ANG UNANG KURA PAROKO. ITINATAG NG MGA PAULES ANG SEMINARID MENOR DE SAN FRANCISCO DE SALES SA KUMBENTO, 1912-1939. NASIRA NOONG LIBERASYON, 1945. MULING IPINAGAWA NINA PADRE JUAN CORONEL AT.NICOMEDES ROSAL SA TULONG NG TAONG-BAYAN, 1948-1954. NAGINGKATEDRAL BILANG LUKLUKAN NG DIYOSESIS NG SAN PABLO AT NAGING UNANG OBISPO ANG KAGALANG-GALANG PEDRO N. BANTIGUE, D.D., 1968.