Location: Malolos, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 14 March 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATEDRAL NG MALOLOS
ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG PAROKYA NG MALOLOS SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE LA INMACULADA CONCEPCION, 11 HUNYO 1580. NAGSIMULA BILANG SIMBAHANG GAWA SA NIPA AT KAWAYAN. DITO RIN IPINAGAWA ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO NA YARI SA BATO, 1601-1744. NASUNOG, 1813. NASIRA NG LINDOL, 1816. PINANGUNAHAN NI PADRE MELCHOR FERNANDEZ, OSA, ANG PAGPAPATIBAY SA SIMBAHANG GAWA SA BATO, 1817. ISINAAYOS ANG KUMBENTO AT ANG HARAPAN NITO, 1819. MULING NIYANIG NG MALAKAS NA LINDOL, 3 HUNYO 1863. DITO NANGYARI ANG MAKASAYSAYANG PAGDULOG NG DALAWAMPUNG DALAGA NG MALOLOS KAY GOB. HEN. VALERIANO WEYLER UPANG MAKAPAG-ARAL NG WIKANG ESPANYOL, 12 DISYEMBRE 1888. NAGSILBING TAHANAN NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO AT PRESIDENCIA NG PAMAHALAANG REBOLUSYUNARYO AT NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 10 SETYEMBRE 1898 – 29 MARSO 1899. SINUNOG NG MGA SUNDALONG PILIPINO AT KALAUNA’Y NAGING HIMPILAN NI HENERAL ARTHUR MACARTHUR NANG KUBKUBIN ANG MALOLOS NG MGA AMERIKANO, 31 MARSO 1899. MULING ISINAAYOS, 1902-1936. ITINANGHAL NA KATEDRAL NG DIYOSESIS NG MALOLOS, 11 MARSO 1962. HINIRANG NA BASILICA MENOR NI SANTO PAPA JUAN PABLO II, 1999. BAHAGI NG MAKASAYSAYANG BAYAN NG MALOLOS NA IDINEKLARANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 15 AGOSTO 2001.
PINASINAYAAN ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO BILANG PAGGUNITA SA IKA-60 ANIBERSARYO NG DIYOSESIS NG MALOLOS, 2022.