Location: Calbayog City
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 25 November 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATEDRAL NG CALBAYOG
ITINATAG NG MGA HESWITA SA POOK NA PINANGANGALANANG JIBATAN AT NAGING BISITA NG PAROKYA NG CAPUL, 1599. ISINALIN SA PANGANGALAGA NG MGA PRANSISKANO, 1768. NAGING PAROKYA SA PATRONATO DE LA NATIVIDAD DE NUESTRA SEÑORA, 1785. ITINAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN NA YARI SA BATO AT LADRILYO SA PANUNUNGKULAN NI PADRE JOSE GOMEZ DE HUERCE, 1840. ISINAAYOS SA PANGUNGUNA NINA PADRE FRANCISCO JUAN MORENO DE MONTALBANEJO, 1855; AT PADRE SALUSTIANO BUS, 1870. IDINAGDAG ANG KAMPANARYO SA PANAHON NI PADRE JUAN FERRERAS, 1871. PINAMAHALAAN NG MGA SEKULAR, 1900. ITINALAGANG KATEDRAL NG DIYOSESIS NG CALBAYOG SA PATRONATO NINA SAN PEDRO AT SAN PABLO, 1913.