Location: Tondo, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KATAASTAASAN KAGALANGGALANG NA KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN (K.K.K.N.M.A.N.B)
DITO SA #72 AZCARRAGA, TONDO, MAYNILA, ITINATAG ANG K.K.K.N.M.A.N.B. NI ANDRES BONIFACIO KASAMA SINA LADISLAO DIWA, TEODORO PLATA, DEODATO ARELLANO, VALENTIN DIAZ, AT JOSE DIZON, 7 HULYO 1892. PANGUNAHING ADHIKAIN NG LIHIM NA SAMAHAN ANG MAPAGKAISA ANG LAHAT NG MGA FILIPINO AT ITAGUYOD ANG ISANG BAYANG MALAYA SA PAMAMAGITAN NG PAGHIHIMAGSIK. NAGTATAG NG MGA SANGGUNIANG BAYAN AT HUKUMANG BALANGAY SA IBA’T IBANG BAHAGI NG KAPULUAN. ANG KARTILYA NI EMILIO JACINTO ANG NAGSILBING GABAY NG MGA KASAPI. BILANG SUPREMO PINAMUNUAN NI BONIFACIO ANG SIGAW SA PUGADLAWIN, BILANG HUDYAT SA MALAWAKANG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA ESPANYOL, 23 AGOSTO 1896.