Location: Sorsogon City, Sorsogon
Category: Buildings/Structures
Type: Capitol building
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 17 October 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAPITOLYO NG SORSOGON
ANG TAHANAN NG ANGKANG DE VERA AY NAGING UNANG TANGGAPAN NI GOBERNADOR BERNARDINO MONREAL SIMULA 1902. PANSAMANTALANG NAGING OPISINA ANG KANLURANG BAHAGI NG GUSALI NG MATAAS NA PAARALANG PANLALAWIGAN HABANG GINAGAWA ANG GUSALING KAPITOLYO. ITINAYO YARI SA KONGKRETO ANG KAPITOLYO NG SORSOGON SA ISTILONG NEO-CLASSICAL KASABAY ANG GUSALING HUKUMAN AT PANLALAWIGANG PIITAN SA PANGANGASIWA NINA ARKITEKTO GEORGE FENHAGEN AT RALPH H. DOANE SA PANUNUNGKULAN NI GOBERNADOR VICTOR ECO, 1915–1917. ITINAYO ANG MONUMENTO NI JOSE RIZAL SA HARAPAN NG KAPITOLYO SA PANGANGASIWA NI ARKITEKTO JUAN ARELLANO SA ILALIM NG ADMINISTRASYON NI GOBERNADOR BERNABE FLORES PALMA, 1923.