Location: Camp Crame, General J. Delos Reyes Street, Quezon City
Category: Site
Type: Military Camp
Status: Level II – With Marker
Marker Date: 2011
Marker text:
KAMPO CRAME
ITINATAG BILANG ISANG BAHAGI NG KAMPO MURPHY AT NAGSILBING HIMPILAN NG PHILIPPINE CONSTABULARY (PC), 1935; ISINAILALIM ANG PC SA PHILIPPINE ARMY, 1936. INIHIWALAY ANG PC SA PHILIPPINE ARMY AT PINANGALANANG KAMPO CRAME, 1938. INIWAN NG PC ANG KAMPO UPANG SUMALI SA USAFFE LABAN SA PWERSANG HAPONES, 1941–1944. MULA KAMPO AGUINALDO, DITO NAGKANLONG SINA JUAN PONCE ENRILE, MINISTRO NG TANGGULANG PAMBANSA; TEN. HENERAL FIDEL V. RAMOS, PANGALAWANG PINUNO NG HUKBONG SANDATAHAN NG PILIPINAS AT PINUNO NG HUKBONG PAMAYAPA NG PILIPINAS AT ANG MGA SUNDAONG KABILANG SA REFORM THE ARMED FORCES MOVEMENT (RAM), UPANG HIMUKIN ANG MGA FILIPINO NA PABAGSAKIN ANG ADMINISTRASYONG MARCOS, 23–25 PEBRERO 1986. MATAGUMPAY NA NAIBALIK ANG DEMOKRASYA SA PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG KANILANG PAKIKIPAGTULUNGAN SA SAMBAYANANG FILIPINO, 25 PEBRERO 1986.