Location: Department of Health Central Office, Rizal Avenue cor. Tayuman Street, Santa Cruz, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Government agency
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 28 September 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KAGAWARAN NG KALUSUGAN
ITINATAG BILANG LINGKURAN NG KALUSUGANG PAMBAYAN AT LUPON NG KALUSUGAN NG LUNGSOD NG MAYNILA SA BISA NG PANGKALAHATANG KAUTUSAN BLG. 15, SETYEMBRE 29, 1898. NAGING LUPON NG KALUSUGAN SA PAMAMAGITAN NG BATAS BLG. 157 NG KOMISYON NG PILIPINAS, HULYO 1, 1901, KAWANIHAN NG KALUSUGAN, 1905 AT LINGKURANG PANGKALUSUGAN NG PILIPINAS, 1915 AT MULING PINANGANLANG KAWANIHAN NG KALUSUGAN. ISINAMA SA TANGGAPAN NG KOMISYUNER NG KALUSUGAN AT KAGALINGANG PAMBAYAN SA ILALIM NG KAGAWARAN NG PAGTUTURONG PAMBAYAN, 1932. ITINAAS BILANG KAGAWARAN, 1941 AT NAGING HIWALAY NA KAGAWARAN, 1947. ILANG MGA YUNIT ANG ITINATAG SA ILALIM NITO: LABORATORYO SA PANANALIKSIK NG KALUSUGANG PAMBAYAN, 1950; MGA TANGGAPANG PANGREHIYON NG KALUSUGAN, 1958. LINGKURANG PANGKALUSUGAN AT MEDIKAL AY PINAGSAMA-SAMA, 1982. PANREHIYONG TANGGAPAN NG KALUSUGAN SA NCR AT PINAGBUKOD-BUKOD ANG MGA TANGING PAGAMUTAN SA MGA PAMBANSANG SENTRO NG MEDIKAL AT MGA TANGING SENTRO SA PANANALIKSIK, 1987; AT ANG MGA PANGUNAHING LINGKURAN NG KALUSUGAN AY ISINALIN SA MGA LOCAL NA YUNIT NG PAMAHALAAN, 1991.