Location: Sumulong Park, M. L. Quezon Street, Antipolo, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 27, 1974
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JUAN M. SUMULONG (1874–1942)
ISINILANG SA ANTIPOLO, RIZAL NOONG IKA-27 NG DISYEMBRE 1874.
KALIHIM SA MORONG NG MGA NAGHIHIMAGSIK LABAN SA KASTILA, MANUNULAT AT MANANANGGOL. NAIPANALO ANG USAPIN NG EL RENACIMIENTO SA SAKDAL NA LIBELO NG MGA AMERIKANONG MILITAR. ITINATAG ANG LALAWIGAN NG RIZAL DAHIL SA PAGKAKAPAGTIBAY SA KANYANG PANUKALA NA ANG DATING LALAWIGAN NG MORONG AT ANG ILANG BAYAN NG MAYNILA AY PAGSAMAHIN AT GAWING ISANG LALAWIGAN. HUKOM SA PAGTATALA NG LUPA (1908); KAGAWAD NG KOMISYON NG PILIPINAS (1909–1913); NAHALAL NA SENADOR, 1925–1931 AT 1934–1935, AT KAGAWAD NG KOMISYON SA KALAYAAN, 1930–1931. UTAK NG OPOSISYON NA ANG PATAKARAN AY ANG PAGSASABI NG TOTOO, AT PAGTATAPAT SA BAYAN.
NAMATAY NOONG IKA-9 NG ENERO, 1942.