Location: Bago City, Negros Occidental (Region VI)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 27, 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JUAN ANACLETO ARANETA
(1852–1954)
PINUNO NG MGA MANGHIHIMAGSIK NA NAGTATAG NG REPUBLIKA NG NEGROS AT TAGAPAGPALAYA NG BACOLOD. IPINANGANAK NOONG HULYO 13, 1852 SA BAGO, NEGROS OCCIDENTAL. NAGKAMIT NG TITULONG PERITO MERCANTIL (KATUMBAS NG NGAYO’Y BATSILYER SA KOMERSIYO) SA ATENEO MUNICIPAL. ITINALAGANG CAPITAN MUNICIPAL NG BAGO; NAMUMUNONG HENERAL NG HUKBONG PANGHIMAGSIKAN SA TIMOG NEGROS; KALIHIM NG DIGMA NG PANSAMANTALANG PANGHIMAGSIKAN NG NEGROS AT KOMISYONADO NG PILIPINAS SA EKSPOSISYON SA ST. LOUIS, AMERIKA NOONG 1904. NAMATAY SA TAHANANG ITO NOONG OKTUBRE 3, 1924 KUNG SAAN NIYA GINUGOL ANG PINAKAMABUNGANG BAHAGI NG KANYANG BUHAY.
SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 375, 14 ENERO 1974 AT 1505, 11 HUNYO 1978 ANG TAHANANG ITO AY IPINAHAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN.