Location: Philippine Women’s University, Taft Avenue, Malate, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 10 October 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSEFA JARA MARTINEZ
(894-1987)
GURO AT UNANG PROPESYONAL NA SOCIAL WORKER SA BANSA. IPINANGANAK SA LA PAZ, ILOILO, 21 ENERO 1894. NAGKAMIT NG TITULONG BATSILYER SA EDUKASYON, PHILIPPINE NORMAL SCHOOL, 1916. PENSYONADO NG PAMAHALAAN, NEW YORK SCHOOL OF SOCIAL WELFARE, 1921. HINIRANG NA SOCIAL WORKER, DIBISYON NG DEPENDENT CHILDREN. TUMULONG SA PAGTATATAG NG WELFAREVILLE SA MANDALUYONG AT WOMEN’S CLUB ASSEMBLY. PINANGUNAHAN ANG PAMBANSANG KOMITE NG PILIPINAS PARA SA UN APPEAL FOR CHILDREN, 1948 AT ANG PHILIPPINE SCHOOL FOR SOCIAL WORK TRAINING ADVIDER NG IBA’T IBANG BANSA. MAY AKDA NG AKLAT NA THE EVOLUTION OF PHILIPPINE SOCIAL WORK. TUMANGGAP NG MARAMING GAWAD PAGKILALA. ILAN SA MGA ITO AY: GAWAD MEDAL OF MERIT, 1953; LEGION OF HONOR NG PILIPINAS, 1954; PRESIDENTIAL MERIT AWARD, 1966; AT SOCIAL WORKER OF THE YEAR AWARD, 1978. NAMATAY, 24 ABRIL 1987.