Location: General Yengco Street, Imus, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSE S. TAGLE
(1855–1910)
KORONEL NG HUKBONG MANGHIHIMAGSIK AT BAYANI NG LABANAN SA IMUS, 1896. ISINILANG SA BAYAN LUMA, IMUS, CAVITE, 19 MARSO 1855. SUMAPI SA LOHIYANG “PILAR BLG. 203” (KALAUNA’Y 2031) SA IMUS, CAVITE. GOBERNADORSILYO NG IMUS 1889–1890 AT KAPITAN MUNISIPAL, 1895–1896. NAMUNO SA PAGSALAKAY SA BAHAY ASYENDA NG IMUS KUNG SAAN NAGKUTA ANG MGA GUWARDIYA SIBIL AT PRAYLE; NAGAPI ANG MGA ESPANYOL SA KABILA NG KARAGDAGANG PUWERSANG PINAMUMUNUAN NI HEN. ERNESTO DE AGUIRRE, 1–3 SETYEMBRE 1896. YUMAO, 12 SETYEMBRE 1910.