Location: Quezon Park, Gov. Perdices Street, Dumaguete, Negros Oriental
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: February 7, 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE RIZAL SA DUMAGUETE
NAGWAKAS ANG PAGKAKATAPON NI RIZAL SA DAPITAN, MINDANAO NANG PAHINTULUTANG MANILBIHAN BILANG SIRUHANO SA HUKBONG ESPANYOL SA CUBA. NILISAN ANG DAPITAN PATUNGONG MAYNILA, KASAMA SINA JOSEPHINE BRACKEN, AT KAPATID NA SI NARCISA, AT IBA PA, LULAN NG BARKONG ESPAÑA, HATINGGABI NG 31 HULYO 1896. PANSAMANTALANG TUMIGIL SA DUMAGUETE ANG BARKO, BUKANG-LIWAYWAY, 1 AGOSTO. DITO NAKIPAGKITA SI RIZAL KINA GOBERNADOR EMILIO REGAL, PUNONG LALAWIGAN NG NEGROS ORIENTAL, AT FAUSTINO HERRERO REGIDOR, DATING KAMAG-ARAL. KINAHAPUNAN, INOPERA SA MATA ANG KAPITAN NG KONSTABULARYA NG LALAWIGAN. NILISAN ANG DUMAGUETE MULING SAKAY NG ESPAÑA, IKA-10 NG GABI NG ARAW RING IYON.