Location: Department of Health Central Office, Rizal Avenue cor. Tayuman Street, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1 December 2002
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSE F. FABELLA
1888–1945
AMA NG KALUSUGANG PAMBAYAN. IPINANGANAK KINA JUAN FABELLA AT DAMIANA FERNANDEZ, PAGSANJAN, LAGUNA, 16 OKTUBRE 1888. NAGTAPOS NG MEDISINA, RUSH MEDICAL COLLEGE, 1912. KALIHIM, ANTI-TUBERCULOSIS SOCIETY, 1914–1916, AT PUBLIC WELFARE BOARD, 1916–1921. NANUNGKULAN SA PAMAHALAAN AT MGA PRIBADONG SAMAHAN NA KAUGNAY NG KALUSUGAN AT KAGALINGANG BAYAN. NANGUNA SA PAGTATATAG NG SANTOL TUBERCULOSIS SOCIETY (NGAYO’Y QUEZON INSTITUTE), WELFAREVILLE, MATERNITY AND CHILDREN’S HOSPITAL, PACO SETTLEMENT HOUSE AT MGA KLINIKA SA PANGANGANAK, MGA SANGGUNIAN SA WASTONG PAG-AALAGA NG MGA BATA AT MGA HUKUMANG PANGKABATAAN SA BANSA. YUMAO, 16 ENERO 1945.