Location: Candon Town Plaza, Candon City, Ilocos Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 29 March 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ISABELO ABAYA
1866–1900
LIDER REBOLUSYONARYO AT MARTIR NG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO. ISINILANG SA CANDON, ILOCOS SUR, ENERO 1866, TAGAPAGTATAG NG KATIPUNAN SA CANDON NA TINAGURIANG ESTRELLA DEL SUR KASAMA SI FERNANDO GUIRNALDA, ENERO 1898. NAMUNO SA PAG-AALSA SA CANDON AT ITINATAG ANG REPUBLIC FILIPINA KATIPUNAN SA KUMBENTO NG CANDON, 25 MARSO 1898. NAMUHAY KASAMA NG MGA IGOROT MATAPOS MABAWI NG HUKBONG ESPANYOL ANG CANDON, 27 MARSO 1898. MULING SUMAMA SA HUKBONG REBOLUSYONARYO, 15 AGOSTO 1898. NAG-ORGANISA AT NANGUNA SA PUWERSANG IGOROT NA DUMALO SA INAGURASYON NG REPUBLIC FILIPINA SA MALOLOS, BULACAN, 23 ENERO 1899, AT LUMABAN SA MGA AMERIKANO SA CALOOCAN, 5 PEBRERO 1899. KOMANDANTE, KATIMUGANG HUKBO NG ILOCOS, 1899–1900. HINULI AT PINATAY NG MGA AMERIKANO MATAPOS ANG LABANAN SA PASOÑGAN (BAHAGI NG GALIMUYOD, ILOCOS SUR), AT INILANTAD SA PUBLIKO ANG BANGKAY SA PLAZA NG CANDON, 3 MAYO 1900.