Location: 1906 Taft Avenue, Malate, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 20, 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HONORIA ACOSTA SISON
UNANG BABAENG DOKTOR NA PILIPINO, SIYENTIPIKO AT NANGUNA SA PANANALIKSIK SA OBSTETRISYA. ISINILANG SA CALASIAO, PANGASINAN, DISYEMBRE 30, 1888. NAGKAMIT NG TITULONG DOKTOR SA MEDISINA, WOMEN’S MEDICAL COLLEGE OF PENNSYLVANIA, ESTADOS UNIDOS, 1909. GINAWARAN NG TITULONG DOKTOR SA AGHAM, PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY, 1940 AT WOMEN’S MEDICAL COLLEGE OF PENNSYLVANIA, 1950, KAPWA HONORIS CAUSA. NAGTATAG AT UNANG PANGULO NG ASOCIACION DE DAMAS DE FILIPINAS AT NG PHILIPPINE OBSTETRICAL AND GYNECOLOGICAL SOCIETY; KAGAWAD, PHILIPPINE NATIONAL RESEARCH COUNCIL AT PHILIPPINE HISTORICAL SOCIETY; AT ISA SA MGA NAGTATAG AT UNANG PANGALAWANG PANGULO NG PHILIPPINE ACADEMY OF SCIENCE AND HUMANITIES. TUMANGGAP NG MGA MEDALYANG PAMPANGULO PARA SA KANYANG MGA PANANALIKSIK SA PANGGAGAMOT, 1951 AT GAWAD PAMPANGULO DAHIL SA KANYANG KONTRIBUSYON SA KILUSANG KABABAIHAN NG PILIPINAS, 1955. ITINALAGANG PROFESSOR EMERITUS SA OBSTETRISYA AT HINEKOLOHIYA NG LUPON NG MGA REHENTE NG UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1955. NAMATAY, 1970.