Location: Barangay Pagbabangnan, Homonhon Island, Guiuan, Eastern Samar
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 17 March 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
HOMONHON
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
MATAPOS MAGPALIPAS NG GABI SA KATUBIGAN NG SULUAN (BAHAGI NGAYON NG GUIUAN, EASTERN SAMAR), LUMIPAT ANG EKSPEDISYON SA HOMONHON AT DITO UNANG TUMUNTONG SA KALUPAAN, 17 MARSO 1521. TINAWAG NILA ITONG ACQUADA DA LI BUONI SEGNIALLI (BUKAL NG MAGANDANG SENYALES) DAHIL SA NAPAKALINIS NITONG TUBIG. HABANG NAGPAPAHINGA, NAKITA SILANG HAPO, MAY SAKIT, AT GUTOM NG MGA TAGA-SULUAN. NAKIUSAP SA MGA ITO SI FERNANDO MAGALLANES, PINUNO NG EKSPEDISYON, NA DALHAN SILA NG MAKAKAIN AT MAIINOM AT KANIYA NAMANG SINUKLIAN NG IBA’T IBANG BAGAY, 18 MARSO 1521. AGAD SILANG BINIGYAN NG MAKAKAIN AT MAIINOM NG MGA TAGA-SAMAR, NA NANGAKONG BABALIK MULI UPANG MAGDALA NG DAGDAG PANG PAGKAIN. NILISAN MATAPOS MAKAPAGKARGA NG MGA PANGANGAILANGAN, 25 MARSO 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.