Location: E. Angeles Street, Naga City
Category: Buildings/Structures
Type: Seminary building
Status: Level I – National Historical Landmark
Marker date: 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HOLY ROSARY SEMINARY
DATING CASA DE CLERIGOS NA ITINATAG NI OBISPO ANDRES GONZALES, O.P., SIRKA 1700. IPINATAYO NI OBISPO JUAN ANTONIO DE ORBIGO, O.F.M., ANG BAGONG BAHAY SEMINARYO, 1785; PINANGANLANG SEMINARIO CONCILIAR DE NUEVA CACERES. PINASINAYAAN NI OBISPO DOMINGO COLLANTES, O.P., 1793; NATAPOS NOONG 1845. NASIRA NG BAGYO, 1856; AT TINUPOK NG APOY, 1860. MULING IPINATAYO AT PINALAKI NI OBISPO FRANCISCO GAINZA, O.P., 1862; INILIPAT ANG PAMAMAHALA SA VINCENTIAN FATHERS, 1865. PINANGANLANG SEMINARIO DEL SANTISIMO ROSARIO NI OBISPO FRANCISCO REYES, 1925. BAHAGYANG NASIRA NANG BOMBAHIN NG MGA SUNDALONG HAPON, 1945, AT IPINAAYOS NI ARSOBISPO PEDRO SANTOS. PINANGANLANG HOLY ROSARY SEMINARY SA ILALIM NG KLERIKONG DIYOSESANO, 1964. MALUBHANG NAPINSALA NG BAGYO, IPINAAYOS NI ARSOBISPO TEOPISTO ALBERTO, 1970. BUKOD SA ILANG PAMBANSANG BAYANI, MGA MARTIR AT REBULUSYONARYO, 19 SA MGA OBISPO NA KASALUKUYANG NAKATALAGA SA IBA’T IBANG BAHAGI NG KAPULUAN ANG KATANGI-TANGING KONTRIBUSYON NG SEMINARYONG ITO.
SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGNA NG MGA KAUTUSAN BILANG 375, 14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG SEMINARYONG ITO AY IPINAHAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.