Location: M. H. del Pilar Street, Calamba, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HENERAL VICENTE LIM
(1888–1944)
IPINANGANAK SA CALAMBA, LAGUNA NOONG PEBRERO 24, 1888 KINA JOSE LIM AT ANTONIA PODICO. KAWAL, MAKABAYAN, ISA SA MGA NAGTATAG NG BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES AT UNANG PILIPINONG NAG-ARAL SA UNITED STATES MILITARY ACADEMY SA WEST POINT, NEW YORK. IKINASAL KAY PILAR HIDALGO, KILALANG EDUKADOR AT MAPAGKAWANGGAWA.
NAMUMUNONG HENERAL, IKA-41 DIBISYON NG IMPANTERIYA NOONG 1941; NAKALIGTAS SA DEATH MARCH; NAGTATAG NG PANGKAT NG GERILYA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG; NABIHAG NG PATRULYANG HAPONES SA BAYBAYIN NG MINDORO; IBINILANGGO SA KUTANG SANTIAGO AT PAGKARAAN AY BINARIL SA SEMENTERYO NG INTSIK NOONG 1944.
PAGKARAANG MAMATAY, PINAGKALOOBAN NG MGA MEDALYANG DISTINGUISHED CONDUCT STAR, DISTINGUISHED SERVICE STAR AT DISTINGUISHED LONG SERVICE STAR AT GINAWARAN NG RANGGONG HENERAL NA MAY TATLONG BITUIN. BILANG PARANGAL, ANG HIMPILAN NG KONSTABULARYA NG PILIPINAS SA CANLUBANG, LAGUNA AY IPINANGALAN SA KANYA.