Location: People’s Park in the Sky, Tagaytay, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 5, 1958
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
HENERAL NICOLAS GONZALES AT LANTIN
ISINILANG SA TANAUAN, BATANGAS, IKA-5 NG DISYEMBRE 1859. ANAK NINA EUSEBIO GONZALES AT LEOCADIA LANTIN. NAGTAPOS SA KOLEHIYO NG SAN JUAN DE LETRAN AT NAG-ARAL SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS. NAHALAL NA GOBERNANDOR NG TANAUAN, 1894–1897; NAMUNO BILANG KORONEL SA BATALYON MAKILING SA ILALIM NG PANGANGASIWA NI HENERAL MIGUEL MALVAR. NAKASAMA NINA HENERAL JUAN CAILLES AT HENERAL PIO DEL PILAR SA PANGKAT NG MGA MANGHIHIMAGSIK NA NAGWAGI SA LIPA, BATANGAS, AT SA SANTA CRUZ, LAGUNA. NATAAS SA TUNGKULING BRIGADYER, 1901; NAGING GOBERNADOR NG BATANGAS, IKA-16 NG OKTUBRE 1916 HANGGANG IKA-31 NG OKTUBRE 1919. TINAGURIANG BUNDOK NG GONZALES NG MGA AMERIKANO ANG POOK NG BANAWAN BILANG ALAALA SA KANYANG PAGKAHIMPIL DOON. NAMATAY SA TANAUAN, BATANGAS, IKA-5 NG HULYO 1923.