Location: Manuel Tinio Mausoleum, Cabanatuan Cemetery, Pan-Philippine Highway, Cabanatuan, Nueva Ecija
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1977
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HENERAL MANUEL TINIO
IPINANGANAK SA ALIAGA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-17 NG HUNYO, 1877. ANAK NG MAG-ASAWANG MARIANO TINIO AT SILVERIA BUNDOC. HINIRANG NA HENERAL NG BRIGADA NOONG IKA-19 NG NOBYEMBRE, 1897 SA GULANG NA DALAWAMPUNG TAON; ISA SA MGA TAPON SA HONGKONG MATAPOS LAGDAAN ANG KASUNDUAN NG BIYAK-NA-BATO, 1897; NAGBALIK SA PILIPINAS AT NAMUNO SA PAKIKIPAGDIGMA SA MGA AMERIKANO SA KAILOKOHAN AT LALAWIGANG BULUBUNDUKIN; AT NAGING PUNONG HENERAL SA HILAGANG LUZON. SUMUKO SA SINAIT, HILAGANG ILOKOS, NOONG IKA-30 NG ABRIL 1901. NAGING GOBERNADOR NG NUEVA ECIJA AT DIREKTOR NG KAWANIHAN NG LUPA NOONG PANAHON NG MGA AMERIKANO.
NAMATAY NOONG IKA-22 NG PEBRERO, 1924.