Location: Legazpi City, Albay (Region V)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: July 12, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HENERAL JOSE IGNACIO PAUA
HENERAL NA TSINO SA HIMAGSIKANG PILIPINO
IPINANGANAK SA NAYON NG LAONA, LAMMUA, FOOKIEN, TSINA NOONG ABRIL 29, 1872. DUMATING SA PILIPINAS NOONG 1890. LUMAHOK SA HIMAGSIKANG PILIPINO. INATASAN NI HENERAL EMILIO AGUINALDO SA PAGTATATAG AT PAMAMAHALA NG ISANG ARSENAL AT PAGAWAAN NG ARMAS SA IMUS. BUONG GITING NA NAKIPAGLABAN SA IBA’T IBANG LABANAN SA CAVITE, BULACAN, PAMPANGA, PANGASINAN AT TARLAC. TANGING TSINO NA LUMAGDA SA KONSTITUSYON NG BIYAK-NA-BATO, 1897. ITINALAGANG MANGILAK NG PONDO SA KABIKULAN NOONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO. NAKULONG SA KUTANG SANTIAGO. PINALAYA NOONG HUNYO 21, 1900. NANIRAHAN SA MANITO, ALBAY, KUNG SAAN NAHALAL BILANG PRESIDENTE MUNICIPAL. NAMATAY NOONG MAYO 24, 1926.