Location: Aguinaldo Highway cor. J.P. Rizal Street, Silang, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HENERAL JOSE IGNACIO PAUA
IPINANGANAK SA NAYON NG LAONA, LAMWUA, FOOKIEN, TSINA, ABRIL 29, 1872. DUMATING SA PILIPINAS, 1890. UMANIB SA HIMAGSIKANG PILIPINO. INATASAN NI HENERAL EMILIO AGUINALDO SA PAMAMAHALA’T PAGTATAG NG ISANG ARSENAL AT PAGAWAAN NG ARMAS SA IMUS. BUONG GITING NA NAKIPAGLABAN SA IBA’T IBANG LABANAN SA CAVITE, BULACAN, PAMPANGA, PANGASINAN AT TARLAC. TANGING TSINO NA LUMAGDA SA KONSTITUSYON NG BIYAK-NA-BATO, 1897. ITINALAGANG MANGINGILAK NG PONDO SA KABIKOLAN NOONG LABANANG FILIPINO–AMERIKANO. SUMUKO, MARSO 24, 1900. NAKULONG SA KUTANG SANTIAGO; PINALAYA, HUNYO 21, 1900. BUMALIK SA MANITO, ALBAY, KUNG SAAN SIYA NAHALAL NA PRESIDENTE MUNICIPAL. NAMATAY, MAYO, 24, 1926.