Location: Plaza Heneral Santos, Pres. Sergio Osmeña Avenue, General Santos
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HEN. PAULINO SANTOS
(1890–1945)
ISINILANG SA CAMILING, TARLAC, NOONG HUNYO 22, 1890 KINA REMIGIO SANTOS AT ROSA TORRES. NAGTAPOS BILANG BALIDIKTORYAN SA AKADEMYA MILITAR NG PILIPINAS NOONG 1914. ITINALAGA BILANG PANGATLONG TENYENTE NG KONSTABULARYA NG PILIPINAS.
BILANG KOMANDANTENG PANLALAWIGAN AT GOBERNADOR, NAPAUNLAD NIYA ANG EDUKASYON, AGRIKULTURA AT KOMUNIKASYON SA LANAO.
NAGING DIREKTOR NG MGA BILANGGUAN; NAGTATAG NG DAVAO PENAL COLONY AT NAGSAGAWA NG MADALIANG PAGLILIPAT NG NEW BILIBID PRISON SA MUNTINLUPA.
NAGING UNANG PUNO NG ESTADO MAYOR NG HUKBONG PILIPINO. PATNUGOT NG NATIONAL LAND SETTLEMENT ADMINSITRATION. SA KANYANG MASIGASIG AT MABISANG PANUNUNGKULAN, ANIM NA PAMAYANAN ANG ITINATAG SA SOUTH COTABATO.
NAMATAY SA KIANGAN, MT. PROVINCE NOONG AGOSTO 29, 1945. BILANG PARANGAL SA KANYA, ANG BAYAN NG BUAYAN (DATI’Y DADIANGAS) AT PINANGALANANG HENERAL SANTOS NA PAGKARAAN AY GINAWANG LUNGSOD.