Location: General Nakar, Quezon
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 10 June 2012
Marker text:
GUILLERMO PEÑAMANTE NAKAR
(1906–1942)
PINUNO NG 1ST BATALLION NG 71ST INFANTRY DIVISION NG USAFFE NA LUMABAN SA PUWERSANG HAPON SA HILAGANG LUZON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ISINILANG SA BARRIO ANOLING, INFANTA, TAYABAS (NGAYO’Y QUEZON), 10 HUNYO 1906. NAGTAPOS SA PHILIPPINE MILITARY ACADEMY AT NAGING KAPITAN SA PHILIPPINE CONSTABULARY NANG SUMIKLAB ANG DIGMAAN, 1941. NADAKIP SA MINURI, JONES, ISABELA. TUMANGGING MAKIPAGTULUNGAN SA MGA HAPON. DINALA SA MAYNILA KUNG SAAN SIYA BINITAY, SETYEMBRE 1942. GINAWARAN NG RANGGONG BRIGADIER GENERAL NI PANGULONG ELPIDIO QUIRINO, 21 HULYO 1949. IPINANGALAN SA KANYA ANG BAGONG BAYAN NA GEN. NAKAR, QUEZON, 1949 AT ANG SOUTHERN LUZON COMMAND SA LUCENA BILANG KAMPO HENERAL GUILLERMO NAKAR.