Location: Plaridel Masonic Temple, 1440 San Marcelino Street, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 19, 1987
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GRAND LODGE OF FREE AND ACCEPTED MASONS OF THE PHILIPPINES
NANGUNA, INDEPENDIENTE AT PAMBANSANG INSTITUSYONG MASONIKO. ITINATAG NG TATLONG LOHIYANG AMERIKANO SA PAHINTULOT NG GRAND LODGE OF CALIFORNIA NG ESTADOS UNIDOS NG AMERIKA, SA KUMBENSYON SA TEMPLO NG MASONIKO, SAN LUIS (NGAYON T.M. KALAW) MAYNILA NOONG DISYEMBRE 19, 1912. UNANG PUNONG MAESTRO SI EUGENE STAFFORD. KINILALA NG 77 GRAN LOHIYA NG ESTADOS UNIDOS, INGLATERA, IRELAND AT SCOTLAND, 1917. SA PAGKAKAISA NG MGA MASON, PINAGSANIB SA PAMAMAGITAN NG PAGSABI NG REGIONAL GRAND LODGE OF THE PHILIPPINES NG GRAN ORIENTE ESPAÑOL NG MADRID SA KASUNDUAN NINA WILLIAM H. TAYLOR, EUGENE STAFFORD AT NEWTON C. COMFORT NG GRAND LODGE AT MANUEL L. QUEZON, TEODORO M. KALAW AT TOMAS EARNSHAW NG REGIONAL GRAND LODGE, 1917. INIHALAL SI TAYLOR NA PUNONG MAESTRO AT SI QUEZON, PANGALAWANG PUNONG MAESTRO SA UNANG ELEKSIYON. BINILI ANG PLARIDEL MASONIC TEMPLE SA PLARIDEL TEMPLE ASSOCIATION UPANG MAGING HIMPILAN, 1937. INIALAY ANG PANANDANG PANGKASAYSAYAN SA PAGDIRIWANG NG DIAMOND JUBILEE, DISYEMBRE 19, 1987.