Location: Taal, Batangas (Region IV-A)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 8 December 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GLICERIA MARELLA DE VILLAVICENCIO
(1852–1929)
IPINANGANAK SA TAAL, BATANGAS, 13 MAYO 1852. TINAWAG NA ALING ERIANG AT ITINURING NA ISANG BAYANI NG HIMAGSIKAN NOONG 1896, DAHIL SA KANYANG TULONG NA MORAL AT MATERYAL SA MGA MANGHIHIMAGSIK. ANG KANYANG BAHAY AY NAGSILBING PUNONG HIMPILAN NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN. IPINAGKALOOB NIYA ANG KANYANG KARAPATAN SA SASAKYANG PANDAGAT NA “BULUSAN” NA GINAWANG SASAKYANG PANDIGMA NG MGA MANGHIHIMAGSIK. NAMATAY 28 SETYEMBRE 1929.