Location: Tuazon Street, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GIL J. PUYAT
ISINILANG SA MAYNILA NOONG 1 SETYEMBRE 1907. NAGING SENADOR, 1954–1972; PANGULO NG SENADO, 1967–1972; AT EDUKADOR, PINUNONG SIBIKO, EMPRESARYO, MAMBABATAS AT MAKABAYAN. PINAKABATANG DEKANO NG KOLEHIYO NG PAMAMAHALANG PANGALAKAL NG PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1940–1941; UNANG ASYANONG NAGING PANGALAWANG PANGULO NG ROTARY INTERNATIONAL, 1947–1948; PANGALAWANG PANGULO SA IKA-42 KAPULUNGAN NG INTERPARLIAMENTARY UNION SA WASHINGTON, D.C. ESTADOS UNIDOS, 1953; TAGAPANGULO NG LUPONG TEKNIKAL NA NAGARAL NG PAGBABAGO NG KASUNDUAN SA PAKIKIPAGKALAKALAN SA E.U., 1984; KATULONG NA TAGAPANGULO NG MISYONG EKONIMIKO SA E.U. NA NAKIPAGUNAWAAN SA KASUNDUANG LAUREL–LANGLEY, 1954; AT NAGULONG PUNO NG NATIONAL ECONOMIC COUNCIL, 1956.
TUMANGGAP NG TITULONG DOCTOR SA EDUKASYON BUHAT SA DALUBHASAANG NORMAL NG PILIPINAS, 1968; AT DOCTOR SA EKONOMIYA BUHAT SA KYUNG HEE UNIVERSITY (KOREA), 1971, NA KAPWA HONORIS CAUSA; GAWAD NG PANGULO PARA SA PAMUMUNONG PANGKABUHAYAN, 1966; CWANCHWA MERIT, ANG PINAKAMATAAS NA GAWAD SA DIPLOMASYA NG PAMAHALAANG KOREANO, 1971; KNIGHT GRAND CROSS OF RIZAL, ANG PINAKAMATAAS NA TITULO SA ORDEN NG KABALYERO NI RIZAL, 1977; AT KNIGHT OF ST. GREGORY THE GREAT PAPAL AWARD BUHAT SA PAPA SA ROMA, 1980.
NAMATAY NOONG 23 MARSO 1981.