Location: Barangay Liberty, Gibusong Island, Loreto, Dinagat Islands
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 25 March 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
GIBUSONG
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
BUHAT SA KATUBIGAN NG HINUNANGAN (BAHAGI NGAYON NG SOUTHERN LEYTE), TINAHAK NG EKSPEDISYON ANG PATIMOG NA RUTA. NADAANAN NILA ANG KATUBIGAN NG GIBUSONG (BAHAGI NGAYON NG LORETO, DINAGAT ISLANDS), BILANG PAGPAPATULOY SA KANILANG PAGHAHANAP SA MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA), 25 MARSO 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.