Location: A. Talon Street, La Paz, Tarlac
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 17, 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FRANCISCO MAKABULOS
(1871–1922)
HENERAL NG REBOLUSYON AT MANUNULAT. ISINILANG SA LA PAZ, TARLAC, 17 SETYEMBRE, 1871. NAGTATAG AT NAGPALAGANAP NG KATIPUNAN SA LALAWIGAN NG TARLAC, 1895. NAMUNO SA SIGAW SA TARLAC, 4 ENERO 1897; AT PANSAMANTALANG PAMAHALAAN SA GITNANG LUZON, 17 ABRIL 1898. ITINALAGANG GOBERNADOR POLITICO–MILITAR NG LALAWIGAN NG TARLAC MATAPOS PALAYAIN ANG BAYAN NG TARLAC, 10 HULYO 1898. NANGUNA SA PAGPAPALAYA SA MGA KARATIG BAYAN. HINIRANG NA KUMANDANTE MILITAR NG TARLAC AT PANGASINAN, 8 OKTUBRE 1898. LUMABAN SA MGA AMERIKANO, 1899. PANGULO NG LA PAZ, TARLAC, 1908; PANGALAWANG PANGULO NG TARLAC, TARLAC, 1918. YUMAO, 20 ABRIL 1922.