Location: B. Cosme cor. A. Mabini Street, Pagsanjan, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1987
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
FRANCISCO BENITEZ
(1887–1951)
BANTOG NA EDUKADOR, AWTOR AT PATNUGOT. IPINANGANAK SA PAGSANJAN, LAGUNA NOONG HUNYO 4,1887. ISA SA UNANG PENSYONADONG PILIPINO SA ESTADOS UNIDOS, 1905. NAG-ARAL SA PHILIPPINE NORMAL COLLEGE, 1904; WESTERN ILLINOIS STATE NORMAL COLLEGE, 1908, AT NAGKAMIT NG BACHELOR OF SCIENCE IN EDUCATION, 1910, AT MASTER OF ARTS, 1914, COLUMBIA UNIVERSITY, U.S.A. TUMANGGAP NG DOCTOR OF LAWS, HONORIS CAUSA, UNIVERSITY OF MANILA, 1929; AT DOCTORATE IN EDUCATION, HONORIS CAUSA, NATIONAL UNIVERSITY, 1951. UNANG DEKANO, SCHOOL OF EDUCATION, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1918; DIREKTOR, OFFICE OF PRIVATE EDUCATION, 1938; AT KALIHIM NG PUBLIC INSTRUCTION, 1946. NAGLATHALA NG EDUCATIONAL PROGRESS IN THE PHILIPPINES, STORIES OF GREAT FILIPINOS, ATBP., AT PATNUGOT, PHILIPPINE JOURNAL OF EDUCATION, 1918. TUMANGGAP NG TEACHER OF TEACHERS MULA SA PANGULONG ELPIDIO QUIRINO, 1948; AT TEACHER OF THE YEAR MULA SA UP ALUMNI COLLEGE OF EDUCATION, 1950. NAMATAY NOONG HUNYO 30, 1951.
ANDRES BONIFACIO 1863–1897
ISINILANG SA POOK NA ITO NONG IKA-30 NG NOBYEMBRE, 1863. LUMAKI SA PAGDARALITA NGUNIT NATUTO SA SARILING PAGSISIKAP AT LIKAS NA KATALINUHAN. LUMABAS SA MGA DULANG TAGALOG SA PAMAMAHALA NG TEATRO PORVENIR SA TROZO. ITINATAG ANG MAPANGHIMAGSIK NA KATIPUNAN NANG MANGA ANAK NANG BAYAN NOONG IKA-7 NG HULYO, 1892 NA ANG LAYO’Y MAKAMTAN ANG KASARINLAN NG BAYAN. NAMUNO SA PAGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA KASTILA NOONG 1896 NA HUMANTONG SA REPUBLIKA NG PILIPINAS NOONG 1899.
NAMATAY SA KABITE NOONG IKA-10 NG MAYO, 1897.