Location: Main Avenue, Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 18 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FRANCIS BURTON HARRISON
1873-1957
AMERIKANONG GOBERNADOR-HENERAL NG PILIPINAS. ISINILANG SA NEW YORK, ESTADOS UNIDOS, 18 DISYEMBRE 1873. NAGTAPOS NG KOLEHIYO SA YALE UNIVERSITY, 1895 AT ABOGASYA SA NEW YORK LAW SCHOOL, 1897. NAHALAL NA KINATAWAN NG LUNGSOD NG NEW YORK, 1903-1913. NANUNGKULANG GOBERNADOR-HENERAL NG PILIPINAS, 1913-1921. ISINULONG ANG “PILIPINISASYON” O ANG PAGTATALAGA NG MGA PILIPINO SA MGA MAHAHALAGANG TUNGKULING PAMPAMAHALAAN. NAGING TAGAPAYO NINA PANGULONG MANUEL QUEZON, SERGIO OSMEÑA AT MANUEL ROXAS. NAGING NATURALISADONG MAMAMAYANG PILIPINO SA BISA NG BATAS KOMONWELT BLG. 73, 26 OKTUBRE 1936. YUMAO SA NEW JERSEY, ESTADOS UNIDOS, 21 NOBYEMBRE 1957, AT INILIBING SA MANILA NORTH CEMETERY ALINSUNOD SA KANYANG HULING HABILIN.