Location: Liberty Shrine, Lapu-Lapu City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 27 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FERNANDO MAGALLANES
ISINILANG SA PORTUGAL. UNANG NAGSILBI SA HUKBONG DAGAT NG PORTUGAL SA APRIKA AT TIMOG-SILANGANG ASYA. NAGPANUKALA KAY CARLOS I, HARI NG ESPANYA, NA BAHAGI NG IMPERYONG ESPANYOL ANG MALUKU NA KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA NOON (NGAYO’Y SAKOP NG INDONESYA) SA ILALIM NG KASUNDUAN SA TORDESILLAS. ITINALAGANG PINUNO NG EKSPEDISYONG ESPANYOL NA IPINADALA SA MALUKU GAMIT ANG RUTANG KARAGATANG ATLANTIKO AT PASIPIKO, 1519-1521. NAKIPAGSANDUGO KAY COLAMBU, RAHA NG MAZAUA (LIMASAWA, SOUTHERN LEYTE), 28 MARSO 1521. NAGPAKILALA NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS. NAGKALOOB SA IMAHEN NG SANTO NIŇO KAY JUANA, ASAWA NI HUMABON. NANGAKO KAY RAHA HUMABON NG PROTEKSYONG MILITAR AT ITINALAGA ITO BILANG PINAKAMATAAS NA PINUNO NG CEBU AT MACTAN. HINDI SIYA KINILALA NI LAPULAPU, ISA SA MGA PINUNO NG MACTAN. LINUSOB ANG MACTAN AT DOON NASAWI, 27 ABRIL 1521. NAIKOT NG KANIYANG EKSPEDISYON ANG DAIGDIG SA UNANG PAGKAKATAON, 1522.