Location: Macabebe Church, Poblacion, Macabebe, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: May 1, 2011
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FELIPE SONSONG
(1611–1686)
ISINILANG SA MACABEBE, PAMPANGA, 1 MAYO 1611. LUMAHOK SA PAG-AALSANG MANIAGO, 1660. NAGLINGKOD SA ORDEN NG MGA MISYONERONG AGUSTINO SA PAMPANGA AT MISYONERONG DOMINIKANO SA MAYNILA. NAPABILANG SA ORDEN NG MGA HESWITA BILANG DONADO SA ISLA NG MARIANAS, 1668. NAKIBAHAGI SA PAGGAWA NG MGA SIMBAHAN AT BAHAY NG MGA KATUTUBO. NAGING TAGAPAGPAYO SA MGA NANGANGAILANGAN AYON SA TURO NG DIYOS. MALUBHANG NASUGATAN MATAPOS ANG PAGLUSOB NG MGA REBELDENG KATUTUBO, 23 HULYO 1684. NANATILI SA ISLA NG MARIANAS HANGGANG YUMAO, 11 ENERO 1686.