Location: Baliuag North Central School, Baliuag, Bulacan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 26 May 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FELIPE SALVADOR
TAGAPAGTAGUYOD NG KALAYAAN SA PAGSAMBA AT NG KARAPATAN NG MARALITA. ISINILANG, BALIUAG, BULACAN, 26 MAYO 1870. NAGING KASAPI NG GABINISTA, ISANG KAPATIRANG RELIHIYOSO NG MGA MARALITA SA PAMPANGA. MULING ITINATAG ANG GABINISTA BILANG SANTA IGLESIA MATAPOS LANSAGIN NG MGA GUARDIA CIVIL, 1894. KASAMA SA NANGUNA SA PAG-AALSA NG MGA KAPAMPANGAN LABAN SA MGA ESPANYOL, APALIT, 19 PEBRERO 1898, AT MACABEBE, PAMPANGA, 22 PEBRERO 1898. KINILALA ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO, HUNYO 1898. NANGUNA SA PAGLABAN SA MGA AMERIKANO AT IDINEKLARANG PINAKAMAPANGANIB NA PINUNO, 1902-1910. NADAKIP, 24 HULYO 1910. SINENTENSYAHAN NG KAMATAYAN SA SALANG BANDOLERISMO, 27 PEBRERO 1912, AT BINITAY SA BILIBID, MAYNILA, 15 ABRIL 1912.