Location: Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Monument
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 8 October 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ESCUADRO AEREA DE PELEA 201
(AGUILAS AZTECAS)
NATATANGING PUWERSANG MEHIKANONG NAKIPAGLABAN SA LABAS NG MEHIKO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. BINUO NG PAMAHALAANG MEHIKO AT IPINADALA SA PILIPINAS BILANG BAHAGI NG PUWERSANG ALYANSA. ITINALAGA BILANG OPERASYONG PANGHIMPAPAWID, 1 ENERO 1945. DUMATING SA MAYNILA, 30 ABRIL 1945, AT NAGKAMPO SA PORAC, PAMPANGA, MAYO 1945, SUMUPORTA SA MGA MISYON SA HILAGANG LUZON, 4 HUNYO-4 HULYO 1945. NILISAN ANG PILIPINAS, 22 OKTUBRE 1945, AT BUMALIK SA MEHIKO BILANG MGA BAYANI, 18 NOBYEMBRE 1945.
ITINAYO AT PINASINAYAAN NG MGA MIYEMBRO NG ESCUADRO 201 ANG BANTAYOG NITO BILANG PAGKILALA SA KANILANG PANGKAT, AT BILANG PAG-ALALA SA MGA NAMATAY NILANG KASAPI, 25 SETYEMBRE 1945.