Location: Ellinwood Malate Church, 1661 Antonio Vasquez Street, Malate, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building, House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ELLINWOOD MALATE CHURCH
ITINATAG NG PRESBYTERIAN MISSION SA BOYS DORMITORY NA IPINANGALAN KAY REV. DR. FRANCIS F. ELLINWOOD SA DAANG WRIGHT NA NGAYO’Y ANTONIO VASQUEZ SA MALATE; REV. GEORGE WRIGHT, UNANG PASTOR, 1907. INILIPAT SA TOOKER HALL NG UNION HIGH SCHOOL, 1919. REV. CATALINO PAULINO, UNANG FILIPINONG PASTOR, 1921. IPINATAYO ANG UNANG KONGKRETONG SANTUARYO AT PINANGALANANG ELLINWOOD MALATE CHURCH, 1932. DITO ITINAGO ANG MGA ELECTRO-TYPE PLATES NA GINAMIT SA PAGLIMBAG NG BIBLIYA MULA SA AMERICAN BIBLE SOCIETY NOONG LABANAN SA MAYNILA, 1945. ITINATAG DITO ANG UNITED CHURCH OF CHRSIT IN THE PHILIPPINES, 1948. IPINATAYO ANG KASALUKUYANG SANTUARYO, 1956. PINAGDAUSAN NG KUMBENSIYONG KONSTITUSYONAL NG UCCP, 1972. HALIMBAWA NG MODERNONG ARKITEKTURA NOONG UNANG BAHAGI NG SIGLO-20 NA NAGLALARAWAN NG ESTILONG HANGO SA ROMANESKO AT GOTIKO.