Location: Real Street, General Trias, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 17, 1990
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DIEGO MOJICA
MAKATA AT LIDER MANGHIHIMAGSIK NA KILALA SA SAGISAG NA KATIBAYAN. IPINANGANAK SA BAYANG ITO NG SAN FRANCISCO DE MALABON (NGAYO’Y HENERAL TRIAS). KASAL SIYA KAY IGMEDIA GREPO, ISA NIYANG KABABAYAN. PANGULO, SANGGUNIANG BALANGAY NG BAYANG MAPAGTIIS; MINISTRO NG PANANALAPI, KAPULUNGANG MAGDIWANG AT PRESIDENTE MUNICIPAL, 1900–1901. KAUNA-UNAHANG NAGSALIN SA TAGALOG NG MI ULTIMO ADIOS NI DR. JOSE RIZAL NA INILIMBAG SA BAYANG ITO NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN. MAY-AKDA NG MGA TULA: “ANG KAPITAN SA BAYAN”, “SINO ANG ILAW NG BAYAN”, “ISANG PANGARAP”, “IROG KONG MAHAL”, “IKAW MUNDO AY MARAYA”, “PASIONG BAGONG KATHA”, AT MARAMI PANG IBA. ANG MAHALAGANG SANDALI NG KANYANG BUHAY AY GINUGOL NIYA SA BAHAY NA DATING NAKATAYO SA POOK NA ITO. BILANG PAGKILALA SA KANYANG PAGKAMAKABAYAN ANG NAYON NG BUENAVISTA SA BAYAN DING ITO AY PINANGANLANG “KATIBAYAN”.