Location: Dauis, Bohol (Region VII)
Category: Buidlings/Structures
Type: Church, Watchtower, Convent, and other open spaces
Status: Level I- National Historical Landmark
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DAUIS CHURCH COMPLEX
BINUBUO NG SIMBAHAN, KUMBENTO, BANTAYAN AT KAMPANARYO NA PAWANG YARI SA KORALES. ITINATAG NG MGA PARING HESWITA BILANG VISITA NG BACLAYON AY NAGING PAROKYA SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE ASUNCION, 1697. IPINATAYO NI PADRE JOSEPH NEPOMUCENO, S.J. ANG KUMBENTO NA NAGING OPISYAL NA TIRAHAN NG MGA HESWITA MULA SA LOBOC, 1753–1768. ISINAILALIM SA MGA PARING RECOLETOS, 1768. IPINATAYO NI PADRE SANTIAGO DEL CORAZON DE JESUS, O.A.R., AND KAMPANARYO, 1774. PINATIBAY ANG BAKURAN BILANG DEPENSA SA PAGSALAKAY NG MGA PIRATANG MORO, 1885. INUMPISAHANG IPATAYO NI PADRE JULIO SALDAÑA, O.A.R. ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN, 1863–1879. TINAPOS NI PADRE NATALIO DEL MAR NA MAY PINTADONG OBRA NI RAY FRANCIA AT CANUTO AVILA, 1919–1923. PINASINAYAAN NI MONSIGNOR JUAN GORORDO NG CEBU, 23 AGOSTO 1923. NAGING KANLUNGAN NG MGA MADRE NG HOLY SPIRIT NG TAGBILARAN ANG KUMBENTO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ITINALAGA BILANG SHRINE OF OUR LADY OF ASSUMPTION, 15 AGOSTO 2004. HALIMBAWA NG ARKITEKTURANG NEO-GOTHIC AT NEO-CLASSIC. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 2009.