Location: Pandacan, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1970
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
DAMBANA NI MABINI
PANDAKA, MAYNILA
ABUGADO, MANUNULAT AT BAYANI NG HIMAGSIKAN, SI APOLINARIO MABINI AY ISINILANG SA TALAGA, TANAWAN, BATANGAS NOONG 22 HULYO 1864. NANIRAHAN SYA SA BAHAY NA ITO NA ARI NINA CECILIO DEL ROSARIO AT MAXIMA CASTANEDA, MULA NOONG 1888 HANGGANG 1896, NANG DAKPIN SIYA NG MGA MAYKAPANGYARIHAN SA HINALANG MAY KINALAMAN SIYA SA KATIPUNAN NANG PALAYAIN SIYA NOONG HULYO 1897 AY IPINAGPATULOY NIYA ANG KANYANG GAWAIN SA HIMAGSIKAN. NAGING PUNONG TAGAPAYO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO NOONG 12 HUNYO 1898 AT PINAKAMATAAS NA MINISTRO NG PAMAHALAANG MAPANGHIMAGSIK MULA NOONG 2 ENERO HANGGANG 7 MAYO 1899, NANAG MAGBITIW SIYA SA GABINETE. IBINILANGGO NG HUKBONG AMERIKANO MULA NOONG DISYEMBRE 1899 HANGGANG OKTUBRE 1900. MULING IBINILANGGO NOONG ENERO 1901 DAHIL SA KANYANG MGA ARTIKULONG MAPANGHIMAGSIK. IPINATAPOS SA GUAM KASAMA ANG 24 PANG MGA MAKABAYANG PILIPINO. PINAHINTULUTAN SIYANG MAKABALIK SA MAYNILA MATAPOS ANG 25 BUWANG PAGKATAPON. DUMATING SIYA SA MAYNILA NOONG 26 PEBRERO 1903 AT MULING NANIRAHAN SA BAHAY NA ITO HANGGANG SA MAMATAY SIYA SA KOLERA NOONG 13 MAYO 1903.