Location: Knights of Rizal Building, Bonifacio Drive, Port Area, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker dates: 22 April 2019
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CLAUDIO S. TEEHANKEE
1918–1989
PUNONG-HUKOM AT TAGAPAGSULONG NG KARAPATANG PANTAO. ISINILANG SA BINONDO, MAYNILA, 18 ABRIL 1918. NAGTAPOS SA ATENEO DE MANILA NG KURSONG BATSILYER SA SINING 1938 AT ABOGASYA, 1940. ITINALAGA BILANG KATUWANG-KALIHIM NG KAGAWARAN NG KATARUNGAN, 1966; KALIHIM NG KAGAWARAN NG KATARUNGAN, 1967–1968. KASAMANG MAHISTRADO SA KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS, 1968–1986. NAGING PUNONG-KOMANDER NG ORDER OF THE KNIGHTS OF RIZAL, 1971–1984. IPINAGTANGGOL ANG KARAPATANG PANTAO AT SIBIL NOONG PANAHON NG BATAS MILITAR. PINANGUNAHAN NIYA ANG PANUNUMPA NI CORAZON C. AQUINO BILANG IKA-11 PANGULO NG PILIPINAS, 25 PEBRERO 1986. HINIRANG NA PUNONG-HUKOM NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS, 2 ABRIL 1986. NAGING EMBAHADOR AT PALAGIANG KINATAWAN NG PILIPINAS SA UNITED NATIONS, 1988. YUMAO SA NEW YORK, ESTADOS UNIDOS, 27 NOBYEMBRE 1989.