Location: Zamboanga City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2009
Marker text:
CESAR CORTES CLIMACO
(1916–1984)
LINGKOD BAYAN AT TAGAPAGTANGGOL NG DEMOKRASYA. ISINILANG SA LUNGSOD NG ZAMBOANGA, 28 PEBRERO 1916. KARANIWANG MANGGAGAWA SA BUREAU OF PUBLIC WORKS, 1935 AT JANITOR-MESSENGER SA COURT OF APPEALS, 1937. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1941. MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG ZAMBOANGA, 1951–53. PUNONG BAYAN SA LUNGSOD NG ZAMBOANGA, 1953–1961. MIYEMBRO NG KABINETE NI PANGULONG MACAPAGAL BILANG ADMINISTRADOR NG OFFICE OF ECONOMIC COORDINATION, 1962. KUMISYONER NG BUREAU OF CUSTOMS, 1962; PRESIDENTIAL ASSISTANT FOR COMMUNITY DEVELOPMENT (PACD), 1963; TAGAPANGULO NG PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION (PAGCOM), 1964. TUMUTOL, LUMABAN SA BATAS MILITAR AT NAGPAHABA NG BUHOK BILANG PAGTUTOL SA DIKTADURYANG PAMAHALAANG MARCOS, 1972–1984. MULING NAHALAL NA PUNONG BAYAN SA LUNGSOD NG ZAMBOANGA, 1980. NAHALAL NA MAMBABATAS SA BATASANG PAMBANSA, 1984, SUBALI’T TUMANGGING UMUPO BILANG PROTESTA LABAN SA REHIMENG MARCOS. PINASLANG, 14 NOBYEMBRE 1984.