Location: Cawit, Zamboanga City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 27 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CAWIT
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
MULA SA BASILAN, NARATING NG EKSPEDISYON ANG KATUBIGAN NG CAUIT (CAWIT, LUNGSOD NG ZAMBOANGA), OKTUBRE 1521. AYON KAY ANTONIO PIGAFETTA, TAGATALA NG EKSPEDISYON, TUMUTUBO SA MGA POOK NA ITO NG MINDANAO ANG MAGAGANDANG URI NG KANELA. ANG MGA PATALIM BUHAT SA PALAWAN AY IPINAGPALIT DITO NG EKSPEDISYON PARA SA KANELA, HINDI SILA NAGTAGAL SA BAHAGING ITO DAHIL SINAMANTALA NILA ANG MAGANDANG IHIP NG HANGIN, NAGLAYAG SILA PAHILAGANG-KANLURAN (TANGWAY NG ZAMBOANGA) AT SUNOD NA NARATING ANG KATUBIGAN NG SULTANATO NG MAGUINDANAO.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.