Location: Bureau of Treasury, Cabildo Street cor. A. Soriano Avenue, Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government Building
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CASAS CONSISTORIALES
(AYUNTAMIENTO)
IPINATAYONG TAHANAN NG CABILDO AT IBA PANG PINUNO NG PAMAHALAAN NG LUNGSOD NG MAYNILA. INILAGAY ANG PANUKULANG BATO, 1735; NATAPOS, 1738. NASIRA NG LINDOL, 1863; MULING IPINATAYO, 1879. NAGING LUKLUKAN NG PAMAHALAANG KOLONYAL NA KASTILA AT AMERIKANO AT NG UNANG ASAMBLEA NG PILIPINAS. SA SALÓN DE MARMOL NG GUSALING ITO PINASINAYAAN SI SERGIO OSMEÑA BILANG ISPIKER NOONG OKTUBRE 16, 1907, KATUNGKULANG KANYANG HINAWAKAN HANGGANG 1922. NASIRA NANG BOMBAHIN NG HUKBONG HAPON AT AMERIKANO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.