Location: Malolos, Bulacan (Region III)
Category: Buildings/Structures
Type: NHCP Museum
Link to the museum: Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas
Status: Level I- National Shrine
Marker date: June 11, 1990
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CASA REAL
UNANG IPINATAYONG YARI SA KAWAYAN AT KOGON,1580; PINAAYOS SA KAHOY AT NIPA NOONG IKA-16 NA DANTAON. IPINAGAWANG YARI SA BATO, 1767; NG LADRILYO AT MORTAR 1786, PAMULING IPINATAYO, 1843, PINAGANDA AT NAGKAROON NG BALKONAHE, 1918. NAGING TANGGAPAN NG GOBERNADORCILLO NOONG PANAHON NG KASTILA; TESORERIYA NG PAMAHALAANG KASTILA NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA INGLES SA MAYNILA; DITO NILIMBAG ANG LA INDEPtNDENCIA, EL HERALDO DE LA INDEPENDENCIA, EL HERALDO DE LA REVOLUCION, KALAYAAN, AT KAIBIGAN NG BAYAN. NASIRA SA KALAUNAN AT MULA SA NALALABING PADER AT HALIGI, PINASIMULANG AYUSIN AT PAPANUMBALIKIN SA DATING KAAYUSAN ANG MAKASAYSAYANG GUSALING ITO,1980.