Location: Balut Island, Sarangani, Davao Occidental
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CANDIGHAR (BALUT)
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
MULA SA SA BIRAHAM BATOLACH (BATULAKI, GLAN, LALAWIGAN NG SARANGANI), TINUNTON NG EKSPEDISYON ANG DAKO NG PULO NG CANDIGHAR (TINATAYA NGAYONG BALUT, BAYAN NG SARANGANI, DAVAO OCCIDENTAL) TINAHAK NG EKSPEDISYON ANG SILANGANG BAHAGI NITO AT NATAGPUAN ANG KARATIG-PULO NG SARANGANI (BAHAGI NGAYON NG DAVAO OCCIDENTAL), KUNG SAAN NILA NAPILING MAMALAGI, 27 OKTUBRE 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.