Location: Balaoan, La Union
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 17 March 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CAMILO OSIAS
MANUNULAT, EDUKADOR, AT ESTADISTA. ISINILANG SA BALAOAN, LA UNION, MARSO 23, 1889. ISA SA MGA PENSIONADO SA ESTADOS UNIDOS, 1905. NAGKAMIT NG TEACHER’S DIPLOMA, WESTERN ILLINOIS STATE NORMAL SCHOOL, 1908, A.B., B.S.E., AT GRADUATE DIPLOMA IN ADMINISTRATION AND SUPERVISION, PAWANG SA COLUMBIA UNIVERSITY, E.U., 1910. UNANG PILIPINONG SANGAY TAGAPAMAHALA NG MGA PAARALAN, 1915-16; UNANG KATULONG DIREKTOR NG EDUKASYON, 1919-21; KAGAWAD, UNANG MISYONG PANGKALAYAAN SA E.U., 1921., UNANG PANGULO, NATIONAL UNIVERSITY, 1921-34; NAHALAL NA SENADOR, 1925, 1947 AT 1961; NANINIRAHANG KOMISYONADO SA E.U., 1929-35; KINATAWAN, UNANG DISTRITO NG LA UNION, PAMBANSANG ASAMBLEA NG PILIPINAS AT KUMBENSYONG KONSTITUSYONAL, 1934; TAGPANGULO, PAMBANSANG LUPON NG EDUKASYON, 1941; TAGAPAGTATAG, OSISAS COLLEGES SA LA UNION AT TARLAC, 1945. MAY-AKDA NG ILANG AKLAT TUNGKOL KAY RIZAL; NAGSALIN SA INGLES NG NOLI AT FILI. PINAGKALOOBAN DOCTOR OF LAWS, OTTERBEIN COLLEGE, E.U., 1934, AT DOCTOR NG PEDAGOGY, NATIONAL UNIVERSITY, 1961. HONORIS CAUSA. TUMANGGAP NG GAWAD RIZAL PRO-PATRIA, 1961; ANCIENT ORDER OF SIKATUNA NA MAY RANGGONG DATU 1973. NAMATAY, MAYO 20, 1976.