Location: Intramuros, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 26 July 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BEATERIO-KOLEHIYO NG SANTA CATALINA
SA POOK NA ITO DATING NAKATAYO ANG GUSALI NG NAKILALANG BEATERIO-KOLEHIYO NG SANTA CATALINA DE SENA NA ITINATAG NG KANYANG KADAKILAAN MADRE FRANCISCA DEL ESPIRITU SANTO, O.P., SA TULONG NI PADRE JUAN DE SANTO DOMINGO, O.P., HULYO 26, 1696. NAGING BEATERIO-KOLEHIYO, 1706; TINANGGAP ANG PORMAL NA PAGTATAGUYOD NG HARI NG ESPANYA, 1716; AT NAGING ISANG KONGREGASYON SA ILALIM NG PAMAMAHALA NG OBISPO NG MAYNILA, 1933. PANSAMANTALANG NATIGIL ANG MGA GAWAIN NITO NG SUMIKLAB ANG HIMAGSIKAN NOONG 1896 GAYUNDIN NOONG 1941. NANG BOMBAHIN NG MGA HAPON ANG GUSALING ITO. INILIPAT SA KALYE LEGARDA, NGAYO’Y POOK NA KINATATAYUAN NG KOLEHIYO NG SANTA CATALINA, MAKARAAN ANG IKALAWANG DIGMAANG PANGDAIGDIG. INILIPAT ANG BEATERIO SA KASALUKUYANG POOK NA KINATATAYUAN NITO SA LUNGSOD NG QUEZON, 1962. GANAP NA KINILALA BILANG ISANG KONGREGASYON NA MAY KARAPATANG PONTIPIKAL, 1970