Location: Glan, Sarangani
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BATULAKI
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
MULA SA BENAIAN (TINATAYANG TANGOS NG KAMANGA, MAASIM, LALAWIGAN NG SARANGANI), BINAYBAY NG EKSPEDISYON ANG BIRAHAM BATOLACH (BATULAKI, GLAN, LALAWIGAN NG SARANGANI) 26 OCTUBRE 1521. NAKALIGTAS ANG EKSPEDISYON MULA SA MALAKAS NA BAGYO, ISINULAT NI ANTONIO PIGAFETTA, TAGAPAGTALA NG EKSPEDISYON, NA INILIGTAS SILA NINA SAN ELMO, SANTA CLARA AT SAN NICOLAS DE TOLENTINO SA SAKUNANG ITO. NILISAN ANG BATULAKI, 27 OKTUBRE 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.