Location: Sabtang, Batanes
Category: Association/Institution/Organization
Type: Organization
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BATANES BISUMI FIGHTERS
(1944)
ITINATAG BILANG SANGAY NG HUNTERS-ROTC SA LALAWIGAN NG BATANES UPANG LABANAN ANG MGA HAPON, ENERO 1944. PINANGALANANG BISUMI FIGHTERS NA KUMAKATAWAN SA ANIM NA BAYAN SA BATANES: BASCO, IVANA, SABTANG, UYUGAN, MAHATAO AT ITBAYAT. NAPASAKAMAY NG MGA GERILYA ANG GARISON NG MGA HAPON SA LABANAN SA BAYAN NG SABTANG, 25 ABRIL 1945. NILUSOB AT NABAWI ANG SABTANG NG MAS MALAKING PUWERSA NG HAPON, 17 MAYO 1945. NAHULI AT PINASLANG ANG KARAMIHAN SIMULA 12 HUNYO 1945.