Location: Vibora Barangay Hall, Vibora Street cor. San Gabriel Street, Vibora, General Trias, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: July 13, 1974
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ARTEMIO RICARTE
(VIBORA) 1866–1945
SA POOK NA ITO NANIRAHAN MULA NOONG 1890–1900.
IPINANGANAK SA BATAK, HILAGANG ILOKOS, NOONG IKA-20 NG OKTUBRE, 1866. NAG-ARAL SA SAN JUAN DE LETRAN AT NAGTAPOS SA ESCUELA NORMAL NOONG 1890. NAGING HENERAL NG BRIGADA SA SANGGUNIANG MAGDIWANG AT NAHALAL NA KAPITAN HENERAL SA KUMBENSIYON SA TEHEROS, KABITE. NADAKIP NG MGA AMERIKANO NOONG 1900 AT IPINATAPON SA GUAM NOONG 1901. HINDI KUMILALA SA KAPANGYARIHANG AMERIKANO AT NANIRAHAN SA HAPON HANGGANG SA PAGSIKLAB NG DIGMAAN SA PASIPIKO NOONG 1941. NAMATAY SA PUNDUNG, IPUGAW, NOONG HULYO 31, 1945.